Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, okey lang mag-ninong kina Dingdong at Marian

081214 marian rivera dingdong dantes
ni Roldan Castro

BILANG kasamahan sa Kapatid Network at may executive position si Ogie Alcasid sa TV5, hindi niya pinanood ang kumakalat na sex video  umano ni Paolo Bediones.

“Ayaw ko ring mapanood, baka mainggit ako,” pagbibiro niya.

Basta, nandoon ang suporta niya kay Paolo at nararamdaman niya na mahirap ang sitwasyon nito ngayon.

Tinanong din si Ogie kung ano ang papel niya sa nalalapit na kasal nina Dingdong Dantes atMarian Rivera. Wala pa naman daw sinasabi sa kanya ang dalawa.

Kamakailan daw ay nagkita sila sa Incheon Airport sa Korea habang naghihintay ng connecting flight nila pauwi ng Manila. Galing daw sina Marian at Dingdong sa New York at siya naman ay sa Hawaii.

Ang natatandaan daw niya ay sinabi ni Dong sa kanya na, ”Kuya, pupuntahan kita ha.” Tinanong daw niya kung bakit pero ang sagot lang ay, ‘basta’ ni Dingdong.

Hindi alam ni Ogie kung tungkol sa kasal ‘yun.

Kung halimbawang kunin siyang ninong sa kasal ay okey lang daw sa kanya. Nag-ninong na raw siya sa kasal ni Kyla.

“Naku, anong ireregalo ko sa mga ‘yon ? Puwede bang GC sa M. Lhuillier?” pagbibiro pa ni Ogie sa tsikahan niya sa press para s.a kanyang birthday concert entitled Throwback Thursday with Mr. A. na gaganapin sa August 28 sa Music Museum. Featuring surprise guests from the 80’s.

Nabanggit din ni Ogie na pinakamahirap na sitwasyon ay ‘yung preparasyon sa kasal. Kasi may mga diskusyon ang magkarelasyon sa mga gusto nilang mangyari. Ang payo lang ni Ogie sa mga lalaki, lagi nilang iisipin na ang araw ng kasal ay para sa mga babae at ang mga lalaki lang ang gagastos.

Talbog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …