Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-25 labas)

00 ligaya

NASILAYAN MISMO NI DONDON ANG BUHAY NINA POPEYE AT MELBA NA PINAGYAYABONG NG TUNAY NA PAG-IBIG

“Bossing, tena…” putol ni Popeye sa paglalayag ng diwa ni Dondon.

“S-sa’n tayo pupunta?” baling niya sa bata-bata niyang runner-alalay.

“Sa haybol namin… Para makilala mo tuloy ang kumander ko,” ang tipid na ngiti sa kanya ni Popeye.

“May asawa ka na?” paglilinaw niya sa kausap.

“Yes, Bossing… Magdadalawang buwan na, paglayang-paglaya ko…” ang masiglang tugon sa kanya.

Sumama naman si Dondon kay Popeye. Malapit lang sa lugar na iyon ang inuuwian nito at ng kinakasamang babae. Melba ang pangalan ng nakarelasyon ng kanyang dating bata-bata. Mananahi ng basahan si Melba, maliit na babae pero malalaki ang mga binti at braso. Ipinagmalaki sa kanya na “mahal na mahal ako ng kumander ko at “love ko rin naman siya.”

Inabot si Dondon ng pananghalian sa tirahan nina Popeye at Melba. Doon siya pilit pinakain ng dalawa. At noon naibida sa kanya ni Popeye na isa na siyang taxi driver. Salitan ang araw ng pagbibiyahe at ng driver na karilyebo sa manibela.

“Bossing, kung wala kang mauuwian, e welcome na welcome ka rito sa ‘mansion’ namin ni Misis…” ang seryosong alok ni Popeye kay Dondon.

“O-okey lang ba?” nasambit niya.

Tumango kay Popeye ang misis niyang si Melba.

“Okey na okey, Bossing… Ikaw pa?”

Sa pakikipanuluyan ni Dondon sa ino-okupahang bahay-paupahan nina Popeye at Melba ay nakita niya ang isang magandang samahan at pagsusunuran ng isang tunay na mag-asawa. Magkatuwang ang dalawa sa paghahanapbuhay. Parehong nagsisikap na kumita nang marangal. May malasakitan. Nakapaglalam-bing sa bawa’t isa. At totoong pag-ibig nga ang nagbubuklod sa samahan.

“Kasal na lang ang kulang sa amin ni Kumander… Pangarap namin na makabuo ng isang pamil-ya. May isa o dalawang anak na magagawa naming mapalaki at mapag-aral… Nakakakain kami nang ma-ayos, tatlong beses sa maghapon… Tapos, malulusog kaming lahat. Siguro’y wala na kaming mahihiling pa sa Diyos,” ang mga sersoyong pangungusap na narinig ni Dondon mula sa bibig ng isang dating pusher-addict.

“Kumikilala ka na pala sa Diyos, ha, Popsie?” nasabi ni Dondon sa pagngiti.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …