Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kotse ng lasing na parak sumalpok sa truck

SUGATAN ang isang lasing na pulis makaraan sumalpok ang sinasakyang kotse sa isang nakaparadang truck sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si PO1 Rajah Soliman, nasa hustong gulang, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP) 6 ng Valenzuela City Police.

Habang kusang loob na sumuko ang driver ng binanggang truck (UTP 679) na si Joan Mariano, nasa hustong gulang, makaraan ang insidente.

Base sa ulat ng Traffic Enforcement Group (TEG) ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong 4:30 a.m. sa MacArthur Highway, Brgy. Karuhatan ng nasabing lungsod.

Kaugnay nito, sinimulan nitong Hunyo 15, 2014 ang pagpapatupad ng Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act kasabay nang paggunita sa Road Safety Month sa nasabing buwan.

Ang mga lalabag ay papatawan ng parusang tatlong buwan hanggang 20 taon pagkabilanggo at pagmumultahin ng halagang P20,000 hanggang P500,000.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …