Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jacob Benedicto ng PBB, aminadong crush si Jane Oineza

082214 JACOB BENEDICTO  Jane Oineza

ni Nonie V. Nicasio

ISA si Jacob Benedicto sa mga tisoy na housemate na naging bahagi ng PBB-All-In ngABS CBN na malapit nang magtapos.

One month and one week siya inabot sa Bahay ni Kuya bago na-evict. Pero hindi raw niya malilimutan ang stint niya sa PBB at ang friendship na nabuo sa kanila nina Alex Gonzaga,Fourth, Fifth, Manolo, at Aina sa loob ng PBB.

Inamin din ni Jacob na nagkaroon siya ng crush kay Jane Oineza. “Naging crush ko si Jane noong first two weeks. Kahit maraming naiinis kay Jane, siya yung naging crush ko. Kasi, naging super-close kami e, nag-bond kami. Nag-open-up kami to one another, very early-on. And iyong pinagdaanan ni Jane, grabe rin e,” nakangiting saad ni Jacob.

Nakapanayam namin si Jacob sa contract signing niya bilang endorser ng Skin Central. Present sa naturang event ang manager niyang si Mayet Tiaoqui at ang owner ng Skin Central na si Mr. Kimm Ilarde. Ang Skin Central ay may branches sa Ortigas Center sa St. Francis Square Mall, Ayala MRT Station, Starmall Alabang, at Lucky Chinatown Annex.

Anyway, nasabi ng smiling face na si Jacob na hilig talaga niya ang pagkanta at pag-arte. “Student po ako sa De la Salle University, Communication Arts student po ako. Aside from that, nagpe-perform po ako sa teatro, nag-The Voice-Season-1 po ako. Before The Voice, nag-Kanta Pilipinas po ako for TV5.

“So, eversince, ito talaga ang pangarap ko, ang maging performer po. Maging actor, singer,” nakangiting saad ng guwapitong dating Housemate.

After PBB, ano ang plano mong gawin? “Well, gusto kong maging singer, maging host. So, naghahanap ako ng platform na puwede kong gawin iyong dalawa. Na maging singer, host, and actor.

“Ngayon, nagge-guesting ako sa mga teleserye. Sa Pure Love, may three to four episodes ako diyan. Nag-Gandang Gabi Vice ako noong Sunday and may small role ako sa upcoming Star Cinema movie, na hindi ko pa alam ang title.

“Ang liit lang ng role ko rito, I don’t even think people will notice that I’m there. Pero it feels great na I get to be exposed sa mga ganitong bagay.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …