ni Roldan Castro
HINDI nailang si Isabelle Daza sa halikan nila ni Matteo Guidicelli sa Somebody To Love na showing na ngayon. Magbarkada pala ang dalawa.
“Matteo and Iza (Calzado) have actually been my friends for quite a time. Lalo na si Matteo, even before we both joined showbiz pa. We have the same circle of friends,” aniya.
Friends with benefits ang pagsasalarawan ni Isabelle sa relasyon nila ni Matteo sa pelikulangSomebody To Love.
Tinanong namin kung may double date na bang naganap sa kanila? Si Matteo with Sarah Geronimo, siya naman sa boyfriend niyang si Adrien Semblat. Nakatrabaho na rin kasi ni Sarah si Isabelle sa It Takes a Man and Woman. Hindi pa raw nagkaroon ng oras na magtagpo-tagpo ang mga schedule nila.
Kapansin-pansin din na iisa ang dialogue nila ni Sarah. Sa huling movie ng Popstar with Coco Martin ay sinabi niya ang, ”There was never an us.” Ito rin ang linya ni Isabelle kay Matteo saSomebody To Love.
Wala siyang idea sa pamosong linyang ‘yun dahil hindi raw niya napanood ang Maybe This Time.
Samantala, mariin ding sinabi ni Matteo na hindi nagselos si Sarah sa kissing scene nila ni Isabelle. Naiintindihan daw ‘yun ng kanyang girlfriend.
Si Isabelle naman ay wala pa ring planong magpakasal sa kanyang boyfriend.
Kamakailan ay nag-judge si Adrien sa Super Sireyna ng Eat Bulaga. After ng guesting niya ay marami ang nakakilala sa kanya sa labas at bumabati. Sabi raw ni Adrien kay Isabelle, ”Oh ‘Eat Bulaga’ pala is very known.”
Pero kaaliw ang kuwento sa amin ni Isabelle dahil hindi pala alam ng BF niya na magsasalita ito sa TV.