KOMBINYENTE ito, mura at masarap kapag mainit, subalit mabuti ba ito sa ating kalusugan? Ayon sa isang pag-aaral, ang instant noodles, na pangkaraniwang tinatawag na ramen at isang staple food para sa mga mag-aaral at estudyante at mga young adult, mahihirap at mga taong busy sa trabaho, ay maaaring makapagpataas ng panganib ng metabolikang pagbabago na may kaugnayan sa sakit sa puso at stroke.
Nakita ng mga researcher na nagsagawa ng pag-aaral na ang mga kababaihan sa South Korea na kumokonsumo ng mas maraming precooked blocks ng dried noodles ay mas malaki ang tsansa na magkaroon ng ‘metabolic syndrome’ kahit kumakain pa ng ibang pagkain, o kung gaano kadalas sila mag-ehersis-yo. Ang mga taong may metabo-lic syndrome ay madalas nakararanas ng high blood pressure o mataas na blood sugar level, at mas nahaharap sa banta ng sakit sa puso, stroke at diabetes.
“Habang ang instant noodle ay kom-binyente at masarap, maaaring magresulta ang madalas na pagkain nito sa metabolic syndrome sanhi ng mataas na sodium, unhealthy saturated fat at glycemic loads na sangkap dito,” ani Hyun Shin, co-author ng pag-aaral at doctoral candidate sa Harvard School of Public Health sa Boston.
Patungkol naman sa kalalakihan, may hinala si Shin at ang kanyang mga kasamahang siyentista na ang biological differences sa pagitan ng mga kasa-rian, tulad ng epekto ng mga sex hormone at metabolismo, ang maaaring dahilan ng kakulangan ng kaugnayan ng mga lalaki sa pagitan ng pagkain ng instant noodles at pagkakaroon ng metabolic syndrome.
Ang pag-aaral sa instant noodles ay isinagawa sa isang lugar sa South Korea na may pinakamalaking ramen consumption group sa mundo. Ang mga tao ay kumokonsumo ng hindi kukulangin sa 3.4 bilyon pakete ng instant noodles noong 2010.
Kinalap ni Tracy Cabrera