Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Master bedroom may impact sa marriage

082214 feng shui Bedroom
 ANG inyong master bedroom ay maaaring magkaroon nang mahalagang impact sa inyong marriage.

ANG master bedroom, kasama ng front entrance at stove, ang isa sa tatlong mahalagang erya ng bahay o apartment. Ang inyong master bedroom ay maaaring magkaroon nang mahalagang impact sa inyong marriage.

Suriin ang iyong master bedroom at analisahin ang sumusunod na mga elemento, at ayusin ang space upang ma-align sa iyong adhikain para sa mas matatag na marriage.

*Ano ang nasa iyong romance corner? Marami bang kalat sa corner na ito, maruruming damit, o tambak na mga papeles, maaaring ang ibig sabhin nito ay hindi mo ibinibigay sa relasyon ang focus na kailangan nito. Sa halip, ang lahat ng bagay sa araw-araw lamang ang iyong hinaharap. Linisin ang corner na ito at itakda ang iyong intensyong maituon sa iyong asawa ang iyong focus sa pamamagitan ng paglalagay ng dalawang objects na may great significance sa space na ito. Kung ang kalat ay makikita saan mang flat surface sa inyong bahay, alisin ang flat surface na ito. Sa halip, maglagay ng halaman sa corner na ito.

*Ano ang kulay ng master bedroom? Sa peach, ang partner ay maaaring lumayo sa marriage, habang ang blue o green ay maaaring magdulot ng sapat na simbuyo sa relasyon. Ang pinakamainam na kulay sa master bedroom ay flesh tones katulad ng beige o cream, o shades of pink.

*Balanse ba ang bedroom? Kung ang isang side ng kama ay may nightstand habang wala sa kabila, o ang heavy object ay parang napangingibabawan ang isang side ng room, ito ay maaaring humantong sa inequality sa marriage, na maaaring hindi magustuhan ng isang partner. Maglagay ng objects, katulad ng nightstands, artwork, candles at mga halaman, nang dalawahan sa master bedroom, at pagtuunan ng pansin ang overall balance sa space.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …