Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangkay ng dating EB Babe natagpuan na (Death toll sa field trip tragedy, 7 na)

082214 lunod bulacan Maiko Bartolome

NATAGPUAN na ang bangkay ng dating miyembro ng “EB Babes” ng “Eat Bulaga” na si Maiko Bartolome, kabilang sa pitong namatay sa naganap na trahedya sa Bulacan field trip nitong Martes.

Ayon sa ulat, dakong 7:46 a.m. nang matagpuan ang bangkay ni Bartolome habang nakaipit sa malaking bato sa ilalim ng ilog.

Si Maiko ang ika-pitong mag-aaral ng Bulacan State University na nalunod sa nabanggit na ilog. Nagtungo sa nabanggit na lugar ang mga mag-aaral bilang bahagi ng kanilang field trip.

Sinasabing nakasiksik sa butas ng malaking bato ang katawan ni Maiko kaya hindi agad nakita ng search and rescue team nitong Miyerkoles.

Agad dinala ng mga kinatawan ng BSU ang mga labi ni Maiko sa St. Peter Funeral Homes.

Unang natagpuan ang bangkay ng mga biktimang sina Helena Marcelo, Michelle Ann Rose Bonzo, Sean Rodney Alejo, Mikhail Alcantara, Madel Navarro at Jeanette Rivera.

Samantala, plano ng mga kaanak ni Alejo na magsampa ng kaso laban sa pamunuan ng BSU kaugnay sa insidente.

TOUR GUIDES IIMBESTIGAHAN

NGAYONG tapos na ang paghahanap sa mga biktimang nalunod makaraan tangayin nang malakas na agos ng tubig sa isang ilog sa Bulacan nitong Martes, nakatuon na ang pansin ng pulisya sa tour guides ng field trip.

Sinabi ni Supt. Ganaban Ali, hepe ng San Miguel PNP, iimbitahin nila ang tour guides upang imbestigahan.

Ayon kay Ali, maaaring makapagbigay ng linaw ang tour guides sa insidenteng humantong sa trahedya na ikinamatay ng pitong estudyante ng Bulacan State University sa flash flood sa Madlum river.

Aniya, ang tour guides ang ikinokonsiderang may awtoridad sa field trip at ang kanilang instructions o advice ang sinusunod ng mga kalahok.

Sa kabilang dako, ang tour guides ay dapat batid aniya ang danger zones at dapat binigyang babala ang mga kalahok sa field trip.

BSU OFFICIALS MANANAGOT — CHED

POSIBLENG panagutin ang mga opisyal ng Bulacan State University sa naganap na trahedya sa field trip na ikinamatay ng pitong estudyante.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED) kahapon, posibleng nagkulang ang unibersiadd sa pagsunod sa procedures sa pagsasagawa ng field trip, idiniing hindi nagsumite ng proper paperwork, kabilang ang ‘risk assessment’ ng educational trip.

“Ang observation ng regional office, apparently ‘yung paaralan, ‘di nagsumite ng notice or information sa ating regional office na ayon sa regulation, ay kailangan iyan. Maraming checklist ‘yan, all kinds of issues and concerns. Kung kasama sa curriculum, kung may medical insurance, kung accredited ba ‘yung sasakyan na gagamitin, may teacher bang kasama, may risk assessment plans ba?” pahayag ni Atty. Julito Vitriolo, CHED Executive Director.

Kapag napatunayan sa pagpapabaya, ang BSU administrator ay maaaring maharap sa administrative, civil and criminal charges, dagdag ni Vitriolo

“Open sa administrative, civil and even criminal liabilities ang guilty parties kung saka-sakali. Administratively, mayroon din sanctions. Baka itigil muna ang educational tours,” idinagdag na bagama’t pumirma ang mga magulang ng mga estudyante sa waiver, hindi ito nangangahulugan na lusot na ang paaralan sa ano mang pananagutan.     (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …