Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang sarap…tampok sa Gandang Ricky Reyes

080214 grr

BASTA masarap, tiyak na nakaliligaya. At sa Sabado,9:00-10:00 a.m. itatampok sa programang Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) ang mga bagay na nakabubusog tulad ng pagkain, musika, at paraan ng pampakinis ng balat at wastong ehersisyong pang-kalusugan.

Music lover si Mader Ricky at nakagawian na niyang pagdating sa bahay matapos ang iba-ibang gawaing hinaharap ay nakikinig ng awitin ng mga paboritong singer. Isa na rito’y ang grupong Freestyle na nagkamit na ng maraming karangalan sa mga pinasikat na record albums dahil sa balanseng timplado ng kanilang pinagsamang boses at mga sarili nilang komposisyon.

Abangan sa GRR TNT na prodyus ng ScriptoVision ngayong Sabado sa GMA News TV ang eksklusibong panayam ni Mader sa sikat na grupong tinutularan ngunit ‘di mapantayan.

Dadalhin din tayo ng beauty guru sa isang kainan na dinarayo dahil sa lutong-bahay na sardinas at corned beef. Sisilip din tayo sa Skin Rejube na dinarayo ng mga nagnanais manatili ang makinis na kutis. Makiki-birthday party pa tayo sa dating Beauty Queen-aktres na si Maria Isabel Lopez. Iba talaga ang trip niya. Sa halip na masayang sayawan at masaganang inuman at kaina’y dinala niya ang mga kaibigan sa isang SPA na tunay na nasiyahan at umuwing nakapagrelaks. Ikaw na talaga, Maria Isabel !

Kinatatakutan ng mga lalaki’t babae ang sakit na Alopecia o pagnipis at pagkalugas ng buhok. Tutok lang sa show para malaman kung may natuklasan na bang lunas sa pesteng sakit na ito. Alamin din kung ano ang iniregalo ni Mader sa isang babaeng may ganitong sakit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …