NAGMISTULANG kumukuha ng selfie ang plaster Greco-Roman statues, sa matalinong pagposisyon ng isang photographer sa kanyang camera sa Crawford Art Gallery sa Cork, Ireland. .(http://www.boredpanda.com)
NAG-SELFIE ang mga rebulto? Naisagawa ito sa pamamagitan nang matalinong pagposisyon ng isang photographer sa kanyang camera.
Sa kanyang pagbisita sa Crawford Art Gallery sa Cork, Ireland, isang Reddit user ang nakaisip ng pagkuha ng larawan ng koleksyon ng plaster Greco-Roman statues ng musesum upang magmistulang kumukuha sila ng selfie.
Ang mga ‘modelo’ ng selfie ay plaster copies ng original statues sa Vatican museum.
Sa pamamagitan ng pagkuha ng ‘selfies’ ng mga rebulto, ang image series na kuha ng photographer ay nakabuo nang nakatatawang tulay sa pagitan ng kasalukuyan at nakaraan. (http://www.boredpanda.com)