Tuesday , November 5 2024

5 ngipin ipinabunot sa faith healer, kelot tigok

082214_FRONT
BACOLOD CITY – Patay ang isang lalaki sa lalawigan ng Negros Occidental makaraan magpabunot ng ngipin sa isang faith healer kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Jerry Aguirre, 28, residente ng Brgy. Punta Mesa, Manapla.

Batay sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Jona Dela Cruz, isang guro, humingi sa kanya ng pera ang kapatid para magpabunot ng ngipin ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay sa faith healer na Diosdado Mahilum nagtungo ang biktima.

Nagulat na lamang siya kinaumagan nang matagpuan ang kapatid sa silid na wala nang buhay.

Batay sa findings ng kanilang municipal health officer, namatay ang biktima dahil sa septic embolism o infection at blood poisoning.

Napag-alaman, limang ngipin ang ipinabunot ng biktima, dalawa sa ibaba at tatlo sa itaas.

Pinaniniwalaang naengganyo ang biktima na sa faith healer magpabunot ng ngipin dahil sa murang serbisyo kung magpapagawa rin ng pustiso.

Si Mahilum ay kilalang gumagawa ng pustiso at bumubunot din ng ngipin bagama’t walang lisensiya bilang dentista.

Pinaghahanap ng pulisya si Mahilum makaraan ireklamo ng kapatid ng biktima.

ni BETH JULIAN

About hataw tabloid

Check Also

Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations …

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *