Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pusong Walang Pintig ng Pagibig (Part 6)

00 puso rey

ILANG MEDIA ANG NAGBOYKOT KONTRA JIMMY JOHN PERO HINDI SINA YUMI

“Dapat ay may pormal request ang inire-repsent na company or entity. Ito ay idaraan muna sa kanyang sekretarya, sa akin nga, nang sa ga-yon ay mai-arrange namin ang venue at oras. Mag-iiwan kayo ng contact numbers para sa confirmation sa pamamagitan ng pagtawag o pag-text namin sa inyo …”

Sunod-sunod na pagbatikos ang naging reaksiyon ng mga taga-trimedia sa umano’y “pagsusuplado” at “pagpapa-superstar” ni Jimmy John . Nagkaisa rin ang mga mamamahayag na walang magsusulat ng tungkol sa dayuhang singer/pianist.

“I-boycott natin ang mayabang na ‘yun!”

“Tama… Boycott tayong lahat!”

Gayonman, sa kabila ng maasim na relas-yon ni Jimmy John sa mga mamamahayag ay hindi naman iyon nakaapekto sa popularidad niya. Kabi-kabila ang alok ng mga prominenteng kompanya sa bansa para gawin siyang tagapag-endorso ng iba’t ibang produkto. Ang ilan ay manufacturer ng bath soap, toothpaste, men’s cologne, health drinks at kung ano-ano pa.

Sa isang banda, sinunod naman ni Yuri ang mga rekisitos sa paghingi ng iskedyul ng interbyu kay Jimmy John.

“Your request is granted. Please be on time…” ang sabi sa text na tinanggap niya mula sa sekretarya ng dayuhang singer/pianist.

Malinaw na nakasaad ang eksaktong lugar at oras ng pakikipagharap ni Yumi kay Jimmy John. Naka-set iyon ng alas-diyes ng umaga sa pool side ng hotel na tinutuluyan nito. Duma-ting siya roon nang bandang alas-nuwebe sing-kwenta. Mistulang sinilihan ang p’wet niya sa pagkakaupo sa silyang metal. Lubha kasing na-ging kainip-inip sa kanya ang paghihintay. Pero sinabihan na siya ni Miss Ellaine na unang sumi-pot doon na pababa na ng silid ng hotel ang kanyang iinterbyuhin.

“Miss Yumi, mahigpit ba ang garter ng iyong undies?” tanong ng ka-partner niyang camera man.

“Bakit mo naitanong ‘yan?” aniya sa pag-arko ng mga kilay.

“Kasi, Ma’am… Makalaglag underwear daw sa mga kababaihan ang kagwapohan ng Jimmy John na ‘yun, e. Ikaw rin…” ang tawa ng balba-sing lalaki na may hawak ng video cam.

Natawa si Yumi sa sarili. Totoo naman kasi na malakas ang magneto sa kanya ni Jimmy John. At natetensiyon na agad siya. Maraming beses na tuloy siyang nagwiwi sa CR ng hotel.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …