Nnginp aq ng mga isda mrami dw cila, tas bgla may lumabas din na pating, nagtaka aq kng bkit may pating e ang babaw lng nman ng 2big? Pak ntrpret nman yun senor, slamt, im jojo, dnt post my cp #
To Jojo,
Ang bungang-tulog na ukol sa isda ay may kaugnayan sa insights mula sa iyong unconscious mind. Kaya ito ay nagpapahiwatig ng insights na lumutang o nabunyag. Alternatively, maaari rin namang may kaugnayan ito sa pagbubuntis. May ilang mga kababaihan na nananaginip ng isda kapag sila ay buntis o naglilihi. Ang isda ay isang ancient symbol din ng Christianity at Christian beliefs. Dahil ikaw ay lalaki, posibleng may kinalaman ito sa pagbubuntis ng kasintahan, asawa o malapit na kamag-anak o kaibigan na mayroon kang totoong concern o mayroon kang direktang kaugnayan o kaya naman ay may direktang epekto ito sa iyo. Maaari rin namang ito ay isang paalala sa iyo ukol sa isang sitwasyon na hindi maganda na dapat mong paghandaan at harapin. Nagsasaad din ito ng pang-unawa at pagiging malinaw ng ilang bagay. Ito ay maaari rin na nangangahulugan na lumalayo ka sa isang tao at ayaw mo ito o ayaw mo silang maging malapit sa iyo.
Ang pating ay nagpapakita ng feelings of anger, hostility, at fierceness. Ikaw ay sumasailalim o sasailalim sa mahaba at mahirap na panahong emosyonal na maaaring magresulta ng pagiging emotional threat mo sa iyong sarili mismo at pati na rin sa ibang tao. Kaya dapat na makontrol mong mabuti ang iyong emosyon, lalo na ang aspeto ng iyong galit at padalos-dalos na pagdedesisyon lalo na sa mga mahahalagang bagay. Alternatively, ang pating ay maaaring nagre-represent ng taong greedy at unscrupulous, kaya dapat mo silang iwasan. Ang taong ito ay kukunin at gagawin ang gusto niya, ng walang pakundangan sa damdamin at kapakanan ng iba. Posible rin naman na ang pating ay nagpapa-alala ng isang aspeto ng iyong personalidad na may ganitong quality.
Señor H.