Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pacquiao darating sa PBA draft

082114 pacman basketball
KAHIT hindi siya sumipot sa PBA Draft Combine noong isang araw sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong, siguradong darating ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa PBA Rookie Draft sa Linggo sa Robinson’s Place Manila.

Sinabi ng team manager ng Kia Motors na si Eric Pineda na maraming inaasikaso si Pacquiao bilang kongresista ng nag-iisang distrito sa Saranggani.

“Humingi kami ng exemption, kasi hindi kakayanin ng schedule ni congressman,” wika ni Pineda.

“Marami kasi siyang kailangang harapin sa kanyang mga consitituents ngayon sa Sarangani.”

Si Pacquiao ay magiging playing coach ng Kia sa darating na PBA season.

Ngunit dumating naman sa Draft Combine ang pinsan ni Pacquiao na si Rene.

“Pinayagan na namin kasi may mga training (para sa laban niya kay Chris Algieri) saka may commitment siya sa mga constituents niya,” ani PBA Media Bureau Chief Willie Marcial.

Kinabukasan ay lilipad si Pacquiao patungong Macau para sa pagsisimula ng press tour sa laban niya kay Algieri na gagawin doon sa Nobyembre. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …