MASAYA raw si Maja Salvador dahil unti-unti nang naayos ang gusot sa kanila ni Kim Chui na matagal-tagal din nitong ‘di nakaimikan at nakaaway.
Dagdag pa ni Maja, hindi man daw ganoon kadaling maibalik ang dati nilang closeness, at least ngayon daw ay nakakapag-usap na sila ng maayos sa tuwing magkikita sila at magkakasama sa mga project o production numbers sa ASAP.
Alam daw ni Maja na darating din ang panahon na babalik muli ang dati nilang pagtitinginan bilang malapit na magkaibigan sa tamang panahon at oras.Hindi naman daw nito minamadali na 100% na maging close na sila muli dahil hindi naman daw ganoon kadali ‘yun,pero alam daw nito na isang araw makikita na lang niya na okey na okey na sila.