HINDI raw agree si Gladys Reyes sa desisyon ni Eugene Domingo na huminto na sa paggawa ng pelikula dahil naniniwala itong marami pang mga tao ang gustong mapanood na nagpapatawa ang magaling na komedyana.
Nanghihinayang daw ang MTRCB Board Member na si Gladys if tuluyan na ngang titigil sa pag-arte sa pelikula si Eugene dahil isa raw ito sa maituturing na magaling na komedyante /actress sa bansa.
Sana nga raw ay magbago ang isip ni Uge ( Eugene ) at kalimutan na ang naging unang desisiyon na iwan ang paggawa ng pelikula para mas marami pa itong mapatawa at mapasayang mga tao dahil sa husay nito at natural skills sa pagkokomedya.