DALAWANG cadet players ng Gilas Pilipinas ang nasa listahan ng mga rookies na nais kunin ng Rain or Shine sa PBA Rookie Draft sa Linggo.
Sila’y sina Matt Ganuelas Rosser at Jake Pascual.
Ngunit sinabi ni Elasto Painters coach Yeng Guiao na plano nilang itapon ang isa sa mga picks nila sa ibang koponan.
“We can select at No.2 a player based on need and the closest we could get is Matt Rosser, a long, athletic player who is big for the No. 3 spot,” wika ni Guiao.
Halos pareho ang istilo ng laro ni Ganuelas kay Gabe Norwood na isa sa mga pambato ng Painters.
“It’s quite flattering that people compare me to Gabe because of our looks,” ani Rosser. “We became close to each other when we played together at Gilas.”
Si Pascual naman ay puwedeng gawing back-up sa sentro kina Beau Belga at Raymond Almazan.
“Kahit saang team ako mapunta, okey lang sa akin, basta’t maka-contribute ako kahit kaunti,” dagdag ni Pascual.
(James Ty III)