Tuesday , May 6 2025

Cone Coach of the Year

00 SPORTS SHOCKED

PARARANGALAN ng PBA Press Corps sina San Mig Coffee coach Tim Cone at San Miguel Corporation president at chief operating officer Ramon S. Ang sa Annual Awards night na gaganapin mamayang 7 pm sa Richmond Hotel sa Eastwood, Libis, Quezon City.

Si Cone ay nahirang bilang Coach of the Year at tatanggapin niya ang Baby Dalupan award. Si Ang naman ang Executive of the year at tatanggapin niya ang Danny Floro citation.

Kasama ni Cone na pararangalan si Paul Asi Taulava na tatanggap ng Comeback Player of the Year award buhat kay William “Bogs” Adornado.

Naihatid ni Cone sa Grand Slam ang Mixers sa 39th season ng Philippine Basketball Associiation.

Iyon ang kanyang ikalawang Grand Slam . Una niyang nabuo ang Triple Crown noong 1993 habang hawak pa ang Alaska Millk.

Matapos ang mahigit dalawang dekada ay iniwan ni Cone ang Aces at lumipat sa San Mig Coffee na naihatid na niya sa limang kampeonato.

Inimbitahan bilang special guests upang magbigay ng ilang pangungusap para kay Cone na nakabuo ng kanyang ikalawang Grand Slam sina Atoy Co at Philip Cezar ng Cispa, Samboy Lim, Hector Calma at Renato Agustin ng San Miguel Beer at Jojo Lastimosa at Dickie Bachmann ng Alaska Milk.

Pararangalan din sina Marc Pingris bilang defensive Player of the Year, Peter June Simon bilang Mr. Quality Minutes, Jayson Castro bilang Scoring champion, Mark Barroca para sa Order of Merit matapos magwaging Player of the Week ng tatlong beses at sina Greg Slaughter, Ian Sangalang, Raymond Almazan, Justin Melton at Terrence Romeo bilang mga miyembro ng All-Rookie team.

Dadalo sa pagtitipon sina incoming PBA chairman Pato Gregorio, commissioner atty. Chito Salud, Robert Non, Rene Pardo at mga miyembro ng PBA Board of Governors.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

 OLONGAPO CITY, Zambales – Namayani ang mga atletang Hapones sa elite division ng 2025 Subic …

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *