Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnold Reyes, may ibubuga sa acting

 082114  Arnold Reyes

ni Vir Gonzales

MAY ibubuga sa acting si Arnold Reyes. Kahit hindi big star ang cast ng pelikulang Kasal, marami itong napanalunang award.

Si Arnold ay itinampok noon sa isa ring indi movie na may titulong Immoral katambal sina Katherine Luna at Paolo Paraiso. Si Paolo ay isang taxi driver na may kabit na babae si Katherine at si Arnold na bading naman ay may disenteng trabaho.

Malakas ang loob ni Arnold sa maseselang pagganap. May kissing scene sila roon ni Paolo. Maganda ang pagkakadirehe ni Jay Altajeros na director din ng Ang Lalaki sa Parola tampok si Harry Laurel at Lihim ni Antonio.

May mga nagawa na ring serye si Direk Jay sa GMA. Malaking tulong si Rita Avila sa kanyang maikling role sa Kasal pero napuna ng mga tagahanga, nakadagdag kulay sa istorya si Arnold na alaga ni Boy Abunda.

Juday at Ryan, ‘di raw nagkakasundo?

SAAN kaya nanggagaling ang bali-balitang hindi raw nagkakasundo ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo?

Pero kung titingnan naman sa television, parehong masaya ang aura. May gusto lang sigurong manira sa mag-asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …