Saturday , November 23 2024

55 Chinese nationals nasakote sa BI raid

UMABOT sa 55 Chinese nationals na pinaniniwalaang nagtatrabaho nang walang kaukulang permiso ang naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa magkahiwalay na pagsalakay sa Metro Manila kamakalawa.

Kasabay nito, kinondena ng Chinese civic organizations na nakabase sa Binondo, Maynila ang BI intelligence unit dahil sa panggigipit umano sa mga lehitimong negosyante na mayroong genuine travel documents at lehitimong work permits mula sa Bureau.

Sinalakay ng BI agents na pinamumunuan ni Atty. Carlito Licas, acting intelligence chief, ang City Tower sa Banawe, Quezon City, nitong Martes ng umaga na umabot sa 14 ‘illegal workers’ ang naaresto dahil sa expired visa.

Isang oras paglipas nito, isinunod nina Licas at kanyang mga tauhan ang isang construction site sa Potrero, Malabon, at nadakip doon ang 12 Chinese nationals na paso na ang permiso sa pagtatrabaho.

Ang 26 ilegal na dayuhan ay dinala sa BI main office sa Intramuros, Maynila para sa masusing imbestigasyon.

Isa sa mga dinakip na kompleto umano ng dokumento ay agad pinalaya ng grupo ni Licas.

Sumunod na sinalakay sa bisa ng mission order, ang Quiapo at Binondo at doon nadakip ang 29 Chinese nationals.

Ayon kay BI spokesperson Elaine Tan, ang pagkakaaresto sa 55 Chinese nationals ay base sa sumbong ng local traders at tipters na nakikipagkompetensiya sa kanila pero paso na ang visa.

Sa pagbeberipika, tatlong Chinese nationals na inilarawang ‘mukhang may pera’ ang pinalaya nang makapagpakita ng mga balidong dokumento para sa pananatili nila sa bansa.

Ang iba pang Chinese nationals ay inilagak sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig City, nang mabigong isaayos ang ipinakokompleto ng intelligence officers.

Ayon sa abogado ng construction workers sa Quezon City naghain sila ng motion to quash at dismissal sa deportation case dahil ang kanilang kliyente umano ay mayroong lehitimong work visa pero hindi matubos dahil sa napakataas na presyo nito.

Nitong mga nakaraang buwan, nakahuli ang BI ng 200 Chinese nationals na sinabing ilegal na nagtatrabaho sa shopping malls sa Maynila, Baclaran, Cebu City at Butuan City.

(EDWIN ALCALA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *