Saturday , November 23 2024

3-anyos nene ‘di nakaligtas sa manyakol na 14-anyos

BURDEOS, Quezon –Walang-awang ginahasa ng isang 14-anyos binatilyo ang 3-anyos paslit sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Angel, residente ng nabanggit na lugar, habang ang suspek ay si alyas Albert, ng nasabi rin bayan.

Sa ipinadalang report ng Burdeos PNP sa Camp Guillermo Nakar sa tanggapan ni Senior Supt. Ronaldo Genaro Ylagan, Quezon PNP provincial director, naganap ang insidente dakong 9 a.m. habang wala ang ina ng biktima.

Ayon sa ginang, iniwan niya sandali ang anak sa kanilang munting kubo para bumili ng ulam sa almusal ngunit sa kanyang pagbalik ay nadatnan niyang umiiyak ang paslit at duguan ang kaselanan.

Sumisigaw siyang humingi ng saklolo sa mga kapitbahay nang makita niya ang suspek na kumakaripas nang takbo habang hubo’t hubad patungo sa tabi ng ilog. Agad nagsumbong ang ginang sa pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa nabanggit na bayan.

(RAFFY SARNATE)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *