Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Si Blatche ang buhay ng Gilas

00 kurot alex

MARAMING Pinoy basketball fans ang humanga sa Gilas nang pahirapan nila ang bansang FRANCE sa nilahukang pocket tournament sa nasabing bansa.

Biruin mong nilamangan lang tayo ng pitong puntos ng isa sa kinikilalang bating na team sa Europe.

Take note pa, kung hindi lang namilay si Andray Blatche ng Pinas, baka nasilat pa ang France.

Pero nang sumunod na araw, napailing na ang Pinoy fans nang tambakan tayo ng 21 puntos ng Australia.  Sa nasabing laro ay hindi na masyadong ginamit si Blatche.

Heto ang nakakadismaya.   Sa ikatlong game ng Gilas ay nilampaso tao ng bansang Ukraine.  Nilamangan tayo ng 50 puntos.

Whew.

Hindi nga naglaro si Blatche at Paul Lee sa nasabing laro pero kumpleto pa naman ang galugod ng team.   Naroon ang mga dambuhala nating manlalaro na sina Aguilar at June Mar Fajardo.

Balita nga natin ay nagsermon na si coach Chot Reyes sa mga big men natin.   Mukha kasing naging display lang sila sa laro.

Well, tune-up match lang naman ang mga pagkatalong iyon.   Pero mahalaga iyon.   Dahil sa pagsalang nila sa FIBA world sa Agosto 31 ay magri-reflect ang mga larong iyon sa magiging respeto ng mga makakaharap ng Gilas sa aktuwal na torneyo.

Aba’y kung tambakan lang tayo ng Ukraine at Australia, paano kakabahan ang mga kalaban natin sa Spain?

ni Alex L. Cruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …