Ndream ko nksaky ako barko, kaso parang nsira yata ito, d ko sure at d ko matandaan masyado, tpos parang nalulunod n dn ako at ung iba psehero, may mssage b ito s akin n pnhhwatig? Wait ko reply mo s hataw.. tnx!! dnt print my #——denz
To Denz,
Kapag nanaginip na nakasakay sa barko o nakakita ng barko, ito ay nagsasaad ng kakayahan na magpahayag ng damdamin. Alternatively, nagsasabi rin ito ng pagiging handa na harapin ang iyong subconscious and unknown aspects of yourself. Maaaring nagsasabi rin ang ganitong panaginip, not to rock the boat at to stay out of harm’s way.
Kapag nanaginip na nalulunod, ito ay nagsasaad na ikaw ay nakadarama ng overwhelmed emotions. Maaari rin na may mga repressed issues na bumabalik sa iyo. Posible rin na masyadong mabilis ang pagpoproseso mo sa pagdiskubre ng iyong subconscious thoughts. Dapat na maghinay-hinay at maging maingat sa mga ganitong bagay. Sakali namang sa panaginip mo ay namatay ka sa pagkakalunod, ito ay may kaugnayan sa emotional rebirth. Kung nakaligtas ka naman sa pagkakalunod, ito ay nagsasabi na malalagpasan ang mga pagsubok na pagdaraanan. Kapag naman may nakitang nalulunod sa iyong panaginip, ito ay nagpapa-alala sa iyo na ikaw ay masyadong nagiging involved sa isang bagay na wala ka nang kontrol. Alternatively, ito ay nagre-represent ng sense of loss sa iyong sariling identity. Hindi mo na alam ang kaibahan mo o ang tunay mong pagkatao. Kapag naman napanaginipan mo na may iniligtas ka sa pagkalunod, ito ay nagpapakita ng matagumpay na pagkilala sa ilang emotions and characteristics na sumisimbolo sa biktima ng pagkalunod. Kung hindi ka nagtagumpay sa pagsaklolo sa nalulunod, ito ay nagsasabi na manhid ka na sa takot. Ikonsidera ang sitwasyon na ang iyong pangamba o takot na ang siyang nagdidikta sa mga bagay na dapat gawin o sa iyong mga aksiyon.
Señor H.