MARAMI palang gay supporters si PBB housemate Joshua Garcia na latest sa Bahay ni Kuya. Sa lugar na lang nila sa Batangas ay bidang-bida si Joshua.
Sa katunayan, kaya nga raw nagtagal sa loob ng PBB house ang binata ay dahil majority ng kanyang boto, galing sa kanyang mga kababayan sa Batangas partikular sa mga gay. Kung noong wala pa siyang pangalan ay deadma kay Joshua, ang mayayamang bading sa lugar, ngayon, marami na raw ang nagkaka-interes. May narinig pa nga kami na pumayag lang daw ang nasabing housemate na makipag-date sa may-ari ng maraming Salon, nakahanda raw bigyan ng malaking welcome party ang controversial na housemate.
Ganoon? May balak pa yata ang bakla na gawing Papa si Joshua. At least kapag ‘di siya sinuwerte sa showbiz ay may magandang future na siya sa mga baklita.
Pinagnanasaan gyud!
COCO AT KIM HUMAKOT NG PANIBAGONG AWARDS
Patuloy ang buhos ng pagkilala sa kahusayan ng “Ikaw Lamang” lead stars na sina Coco Martin at Kim Chiu sa pagtanggap nila kamakailan ng mga bagong parangal mula sa 4th EdukCircle Awards na nagsusulong ng kahusayan sa komunikasyon sa Asia-Pacific Region.
Matapos tanghaling Celebrity at Actress of the Year sa 2014 Yahoo! Celebrity Awards, kinilala ng EdukCircle si Kim bilang Most Influential Film Actress para sa pelikula niya sa Star Cinema na “Bride For Rent.” Nasungkit naman ng grand slam actor of the year na si Coco ang Best Television Drama Actor of the Year award para sa superhero teleserye niyang “Juan dela Cruz.”
Bukod sa EdukCircle, tumanggap rin si Coco ng bagong parangal bilang Male Showbiz Icon of the Year mula sa entertainment blog na PhilippineEdition.com.
Samantala, sa pagpapatuloy ng top-rating master teleserye ng ABS-CBN, tiyak na mas mapapakapit ang TV viewers sa kwento ng “Ikaw Lamang” ngayong pinagtagpo na ng tadhana ang mga landas nina Gabriel (Coco), Jacqueline (Kim), at Natalia (KC Concepcion). Abangan kung paano magbabago ang buhay nina Gabriel, Jacqueline, at Natalia sa oras na matuklasan nila ang kwento ng nakaraan ng isa’t isa?
Sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, ang master teleseryeng “Ikaw Lamang” ay isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ang kapanapanabik na eksena sa master teleseryeng “Ikaw Lamang,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Hawak Kamay” sa ABS-CBN Primetime Bida.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Ikaw Lamang,” bisitahin lamang ang official social media accounts ng programa sa facebook.com/IkawLamang.Online, Twitter.com/IkawLamang_TV at Instagram.com/IkawLamang_TV.
GALING AT TALENTO IPAKITA NA SA “BARANGAY SUPERSTAR” SA EAT BULAGA
May bagong segment sa “Juan For All, All For Juan” sa Eat Bulaga na ang mga residente sa iba’t ibang barangay na kalahok sa “Barangay Superstar.”
Titulo pa lang ng segment ay obyus na labanan ito ng talento. Basta lahat ay puwedeng gawin para ipakita sa lahat ang angking talent. Pwede magsayaw, kumanta at umarte sa harap ng crowd. Tulad noong nakaraang Sabado, humataw sa sayawan sa dance floor ang dalawang grupo na BSV Movement (grupo ng kakabaihan) at KYO 2nd Gen (male group) ng Brgy. San Vicente, Quezon City. Nagwagi sa malupit na paghataw at nagkakaisang galaw ni Every Juan ang KYO at nag-uwi ng P20K. Hindi naman umuwing luhaan ang BSV dahil binigyan sila ng Eat Bulaga ng consolation cash prize na P10K na kanila namang pinaghatian.
Ngayong Sabado, abangan kung sino ang mga bibida sa Barangay Superstar!