LABANAN ng bukol ang mangyayari between Markki Stroem and Martin del Rosario sa forthcoming fashion event ng isang clothing line.
Nakita kasi namun ang photos nila para sa fashion show at talagang hindi sila nagpatalbog sa isa’t isa. Silang dalawa ang pinaka-daring sa male celebrities na rarampa ng naka-underwear lang. Walang binatbat ang mga pose nina Paulo Avelino, Enzo Pineda, Enchong Dee, Dennis Trillo, Rocco Nacino, Jeron Teng, Tom Rodriguez, Joseph Marco, Dominic Roque kina Markki at Martin.
Sa isang shot, ibinaba ni Markki ang isang bahagi ng kanyang underwear kaya nakita ang kanyang pubic hair. ‘Yung isa naman, tinakpan lang niya ng kamay ang kanyang ari samantalang ang isa pang shot ay nakatakip lang ng mascara ang kanyang kargada.
Hindi rin naman nagpatalbog si Martin. Bukol kung bukol ang kanyang drama sa pictorial. Tatlo rin ang shots na aming nakita at lahat ay bakat kung bakat ang drama. Parang semi-erect ang kargada ni Martin sa lahat ng shots, parang “ginalit” niya ang kanyang birdie para siguro pagpiyestahan siya ng mga beki.
Sa pagrampa, nakatitiyak kaming sina Martin at Markki ang hihintayin ng lahat. For sure, magpapatalbugan sila sa pagpapakita ng kanilang kargada. Tiyak na magpapasilip sila. Wanna bet?