NABALITAAN NI DONDON ANG NANGYARI KAY LIGAYA NANG MAGKAHIWALAY SILA MULA KAY NIKKI
“Awang-awa ako nu’n sa friend ko… “ pagbubuntong-hininga ng kanyang kausap.
Naikuwento kay Dondon ni Nikki ang dinaanang mga paghihirap ng kalooban ni Ligaya.
“Iyak nang iyak noon si Joy nang iwan mo. Malaki ang ipinamayat n’ya dahil ‘di-makakain at ‘di-mapagkatulog sa gabi . at halos hindi rin makakain. Labis-labis ang pag-aalala niya sa ‘yo… Baka kung ano na raw ang nangyari sa ‘yo… Hindi ka kasi niya makontak-kontak sa cellphone mo, e,” sabi pa sa kanya ng babaing tagapangasiwa ng club.
Pagkaraan niyon ay nagkumustahan silang dalawa ni Nikki. Nabanggit niya sa pagkakataong iyon ang mga pagdurusang naranasan at patuloy pang nararanasan sa pagkawalay niya sa babaing pinakamamahal dahil sa kanyang ‘pangingibang-bansa.’
“K-kumusta na nga pala siya? Nagkikita pa ba kayo?” usisa niya kay Nikki.
“Hindi na…” ang sabi nito sa kanya. “Magdadalawang taon na ang huli naming pagkikita ni Joy… Noong magbalik-club siya.”
Naikuwento kay Dondon ni Nikki na napilitan si Ligaya na magtrabahong muli sa club upang malibang-libang at kumita ng maisusuporta sa sarili. Hndi pa raw masyadong nagtatagal doon ang dati ni-yang ka-live-in nang makursunadahan at ligaw-ligawan ng isang Hapones na kostumer.
“May ilang buwan din naging boyfriend ni Joy ang Hapon… si Mizuno,” paglalahad ni Nikki. “At sa pagkakaalam ko ay doon sila nagpakasal sa Japan.”
Ikinatulig iyon ni Dondon. Ilang sag-lit din siyang natulala. Pero sa pagkatulala niya ay kusa nang umagos sa kanyang mga mata ang masaganang luha.
Lumisan siya sa bahay-aliwan na mabigat na mabigat ang dibdib. Sa pakiwari niya ay parang katapusan na ng mundo. Nawalan ng halaga sa kanya ang lahat ng mga bagay, maging ang sariling hini-nga. Naglakad siya nang naglakad sa kalye nang halos wala sa sarili. Sinalubong niya ang malakas na buhos ng ulan na dulot ng bagyong Yolanda. Ikinubli niya ang mapapait na luha sa pahagulgol na pagtangis sa kadiliman ng gabi, sa haginit ng bugso ng hangin at sa nakatutulig na dagundong ng mga pagkulog sa papawirin.
(Itutuloy)
ni Rey Atalia