Sunday , November 17 2024

Jinggoy, kinompirmang tatakbong VP

082014 jinggoy estrada

ni Ronnie Carrasco III

NOW it’s official: ang nakakulong na si Senator Jinggoy Estrada ang nagkompirmang tatakbo siya bilang Vice President sa darating na 2016 presidential and national elections.

Of course, hindi ito musika sa tenga ng mga anti-pork barrel scammers. Ano pa raw at gusto pang manungkulan ni Jinggoy sa pamahalaan, samantalang sangkot nga siya sa kasong pandarambong?

Pero taliwas ang aming opinyon. Let Jinggoy run for VP. Una, karapatan naman niya ito like any qualified Filipino citizen. Ikalawa, his senatorial aroma is diminished, bumaho na nga ito kaya let him scatter fragrance sa mas mataas na puwesto.

As they say, kung may kaaway ka ay sa dalawang bagay mo lang siya ipagduldulan: casino at politika.

Let Jinggoy spend more than a fortune sa kanyang kampanya up to his last centavo, tingnan lang natin kung saang kangkungan siya pulutin.

Akala siguro ng binansagang “Sexy,” claiming his victory this early is a window for self-vindication. Sana lang, huwag pairalin ng karamihan sa atin ang pagkakaroon ng short memory, bagkus let the PDAF scam memoirs imitate well-preserved photos in our albums na laging magpapaalala sa atin ng pinakamalaking krimen ever committed against a nation.

Jinggoy bilang VP? Oo, as in Very Pathetic.

About hataw tabloid

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *