SORRY to say this, ha, pero we feel na OA ang pagpataw ng Davao City Council kay Ramon Bautista ng persona non grata.
Nag-sorry na naman ang comedian, live siyang humingi ng paumanhin sa audience. Nag-sorry rin siya sa Twitter account niya. Aminado naman siyang nagkamali siya nang sabihin niyang ang mga babae sa Davao ay parang mga hipon.
“I respect the decision of the Davao officials, and I will abide by it,” nasabi na lang ni Ramon.
For us, wala namang sinaktan ng pisikal ang komedyante, hindi naman siya nanampal o kaya namatok kaya hindi namin ma-take ang persona non grata sa kanya.