Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen, iginiit na ‘di sila live-in ni Billy

070314 Coleen billy
ni Roland Lerum

TALIWAS sa tsismis na matagal na silang live-in partners ni Billy Crawford, nilinaw ni Coleen Garcia na ngayong July 23, 2014 lang sila nagkikitang palagi. Nasa It’s Showtime silang dalawa bilang host sa sandamakmak na host ng show. Pagkatapos ng show magkasamapa rin sila. Hanggang sa pagtulog pa ‘yon. Parang mag-asawa na nga sila na wala lang kasal ganoon ba ‘yon?

Pero ang totoo, naggagamitan lang silang dalawa. Ginagamit ni Coleen si Billy para sa kanyang career. Hayan nga at napasok na siya sa isang noontime show na mainstay si Billy. Ginagamit naman ni Billy si Coleen bilang pamasak-butas sa nang-iwan sa kanyang si Nikki Gil at makabawi sa nagdududa sa kanyang gender.

Bagay nga silang dalawa kung tutuusin.

BIKTIMA NG MV PRINCESS OF THE STARS, WALA PA RING KATARUNGAN

ILANG taon na ring walang katarungan sa mga pamilya ng mga nangamatay sa lumubog na barko ng Sulpicio Lines, Inc., ang MV Princess of the Stars. Hawak ni Atty. Persida Acosta ang kaso laban sa nasabing barko at may-ari nito, si Edgar S. Go.

Imbes na pumabor sa mga nabiktima, kinatigan pa ng DOJ ang may-ari ng barko. Ginawa ring civil case na lang ang habla laban sa Sulpicio.

Kuwento ni Atty. Acosta, “Sabi sa akin ng mga pamilya ng mga biktima, hindi pera ang habol nila rito kundi katarungan.”

Nilapitan na ng abogada ang mga kaibigan niya sa entertainment press para lalong kuminang ang kaso at mag-alab ang hustisya. Sabi niya sa presscon ng ginanap sa PAO, kamakailan, “Kapag sinimulan ko, tatapusin ko at kaagapay ko kayo.

Naging close si Atty, Acosta sa press mula nang magkaroon ito ng show sa TV5 at maging kolumnista sa ilang tabloids. Hangad namin na mabigyan ng katarungan ang mga biktima ng lumubog na barko.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …