TIYAK matutuwa ang mga bata sa paglalaro ng LEGO bricks na yari sa totoong chocolate. (http://www.boredpanda.com)
KADALASAN, ang LEGOs ay choking hazard lalo na sa mga paslit na kahit ano ay isinusubo. Ngunit niresolba ni Japanese artist and designer Akihiro Mizuuchi ang suliraning ito – sa pamamagitan nang pagbubuo ng chocolate LEGOs na maaaring kainin.
Ang bricks, na yari sa white, milk, dark and pink chocolate, ay ‘totally functional’.
Sa katunayan, nakabuo ang artist ng serye ng chocolate LEGO robots gamit ang bricks na ito.
Nakatutuwa ngunit asahan ang isang ‘critical design flaw,’ maaaring hindi makabuo ang mga paslit ang ano man dahil tiyak kakainin nilang lahat ang chocolate bricks. (http://www.boredpanda.com)