LUMUTANG si Chris Banchero sa unang araw ng PBA Draft Combine kahapon na ginanap sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.
Nanguna si Banchero sa lahat ng mga endurance tests na ginawa para sa mga draftees bilang bahagi ng paghahanda ng liga sa Rookie Draft sa darating na Linggo sa Robinson’s Place Manila.
Sa ¾ countersprint ay naorasan si Banchero sa 2.91 segundo habang siya rin ang nanguna sa Lane Agility test sa oras na 8.33 segundo.
Sa Shuttle Run ay pinakamabilis si Banchero sa oras na 16.87 segundo samantalang sa standing vertical leap ay nagtala siya ng pinakamahaba sa 33.73 pulgada.
At sa maximum vertical leap ay nagtala siya ng 68.72 na pulgada.
Samantala, dumayo rin sa unang araw ng Draft Combine si Kevin Alas at nanood pa ang kanyang amang si Louie na assistant coach ng Alaska.
(James Ty III)