INARESTO ng North Carolina State Capitol Police ang isang babae at lalaki kaugnay ng pag-kidnap sa isang baby dinosaur mula sa display ng Museum of Natural Sciences ng North Carolina sa Raleigh kamakailan.
Kinasuhan ang magakasintahang Logan Todd Ritchey, 21, at Alyssa Ann Lavacca, 21, ng Holly Springs, ng dalawang bilang ng theft o destruction of property of public libraries, museums, etc., ayon sa news release na inilabasng Capitol Police. Sumuko ang dalawa sa mga awtoridad.
Nakita sa surveillance footage ang pagpasok ng dalawa sa exhibit, na parang mga bisita lang ng museo. Sinampa ng lalaki ang harang at saka kinuha ang maliit na dinosaur replica, saka isinilid sa isang malaking bag na dala-dala naman ng babae.
Hindi man masasabing malaking krimen na katumbas sa Ocean’s Eleven, ang ninakaw na baby dinosaur, na isang 12- hanggang 14-na-pulagadang modelo ng duck-billed Edmontosaurus hatchling, ay nagkakahalaga ng hindi kukulangin sa US$10,000,
Sina Ritchey at Lavacca ay suspek din sa kahintulad na insidente ng pagnana-kaw sa kalapit na North Carolina Museum of History, na kinulimbat ang isang sinaunang botelya ng medisina.
Mabuti na lamang at na-recover ang lahat ng nawalang mga itme.
Ayon sa pulisya, isang male subject ang nag-deposito ng isang bag malapit sa rear service entrance ng Museum of Natural Sciences. Nilisan niya ang lugar bago pa man dumating ang mga security officer, habang ang bag na naglalaman ng dinosaur replica ay naiwan.”
Nang sumunod na araw ay sumuko ang magkasintahan.
“Nag-realize siguro ng dalawa ang bi-gat ng kanilang krimen na i-tamper ang mga artifact at exhibit sa isang public museum,” ani State Capitol Police Chief Glen Allen.
Kinalap ni Tracy Cabrera