Sunday , November 17 2024

Takot makulong

00 aksyon Almar

DEMONYO, oo mukhang binubulungan ng demonyo o ni satanas ang ilang alipores ni Pangulong Aquino hindi lamang sa Palasyo kundi ma-ging ng kanyang mga kaalyado sa Liberal na gutom sa kapangyarihan.

Una, emergency power ang dapat para sa Pangulo dahil magkakaroon daw ng malaking problema sa power supply sa susunod na taon partikular sa buwan ng Abril at Mayo. Ano! Problema sa power supply sa susunod na taon, aba’y ngayon pa lamang ay malaking problema na ito.

Tsk…tsk…tsk…problema lang sa koryente, emergency power na! Nakatatawa, ginamit pa ang problema sa koryente para lamang sa maaaring kakaibang plano. Maraming puwedeng mangyari kapag hawak na ng pangulo ang mighty power na ito. Ngayon pa lamang, hindi pa niya hawak ang EP e, kung umasta na ang Pangulo natin ay lagi siyang tama lalo pa kaya kapag hawak na niya ang EP.

Mabuti na lamang at hindi uto-uto ang mga Filipino ngayon, mabuti na lamang at hindi bobo ang mga Filipino kaya, tutol ang marami sa pla-nong EP para kay PNoy.

Hindi nakalusot ang EP, hayun lumabas din ang totoong plano ng gobyernong PNoy –planong maaaring nakatago sa EP kung ito ay nakalusot. Planong term extension para sa nagpapakilalang pinakamalinis na Pangulo ng Filipinas, Pangulo na tingin niya’y siya lang ang nararapat sa posis-yon. Ha…ha…ha….

Ngayon, nais ng Palasyo na isulong ang charter change o Cha-Cha para mapalawig ang termino ni PNoy sa Palasyo. Bakit masarap bang mamuhay sa Palasyo? Oo naman, lahat yata libre sa loob ng Palasyo. Libre na nga ang lahat, makapangyarihan ka pa.

Nais ng Palasyo na maamyendahan ang konstitusyon na ang partikular na gagalawin dito ‘yung para makatakbo uli bilang pangulo si PNoy.

Pero nilinaw naman ng Palasyo na hindi naman daw nais ng Pangulo na mangyari ito kundi nais niyang malaman ang saloobin ng kanyang mga boss o tayong mga nauto noon 2010. Tama nang magpauto noon. One is enough!

Nauto ang marami – namatay lang si dating Pangulong Cory Aquino, hayun kahit kulang sa karanasan ay pinagboboto naman ng marami sa posisyon para sa Palasyo … dahil kay Tita Cory. At ngayon natikman na ang iba’t ibang klaseng putahe sa Palasyo, hayun gusto pang makatikim ng mga hindi pa natitikman.

Ngunit, bakit kaya biglang isinusulong ng Palasyo ang Cha-Cha?

Bakit? Isa lang ibig sabihin nito, takot silang makulong.

Oo, sila na kasi ang susunod na makukulong, kaya kaila-ngan makagawa sila ng paraan ngayon pa lamang! Kasi iyong manok nilang si Mar Ro-xas para sa 2016 presidential elections, mahina. Ti-yak na papakainin ng alikabok ni Pangulong Jejomar Binay este, Vice President pala.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *