Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pusong Walang Pintig ng Pagibig (Part 4)

00 puso rey

NAGHANDA SI YUMI PERO NAIND’YAN SIYA NI JIMMY JOHN SA TAKDANG INTERBYU

“Mahal” ang tawag kay Yumi ni Arman. Maging sa kaliit-liitang aspeto ng kanilang samahan ay ramdam naman niya ang katuturan ng katagang iyon At gayon na rin ang nakasa-nayan niyang itawag sa nobyo. Pero tila may kulang sa pagbigkas niya niyon na dapat sana ay nanggagaling sa kaibuturan ng kanyang puso.

Sa trabaho kasi niya bilang isang field reporter ay marami na siyang nakahalubilong tao. Kabilang na roon ang mga popular at malala-king personalidad sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Bunga niyon, may mga pagkakataong naiha-hambing tuloy niya si Arman sa mga kalalakihang nakakasalamuha niya sa araw-araw. At unti-unting umusbong sa isipan niya na hindi ito ang lalaking nababagay sa kanya.

“Ano pa ba ang hahanapin mo sa isang boyfriend? Mabait at marangal na tao si Arman. Matatag pa ang kabuhayan … At mahal na mahal ka niya,” nasabi kay Yumi ng kanyang Mommy Fatima na botong-boto kay Arman na mapangasawa niya.

“E-ewan ko, Mommy… “ aniya sa pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga.

“Kung minsan, anak, makikita mo lang ang kahalagahan ng isang bagay kapag nawala na ito sa iyo…Pero huwag sanang dumating ang sandaling ‘yun sa relasyon n’yo ni Arman,” paalala kay Yumi ng butihing ina.

Nabasa ni Yumi ang espesyal na artikulo na inilathala kamakailan ng International Free Press tungkol kay Jimmy John Robinson. Hindi lang pala malakas ang sex appeal nito sa tikas at tindig na 6’ 1″ kundi saksakan pa ng talino. Ayon sa nasabing artikulo, bukod sa talent sa pagkanta at pagtugtog ng piano ay naging champion din sa buong mundo sa larangan ng chess, spelling contest at math quiz. At nabanggit pa na bagama’t hindi perpekto ang pagbigkas sa iba’t ibang wika ay masasabing isa rin itong “linguistic.”

Pinaghandaang mabuti ni Yumi ang mahahalagang tanong kay Jimmy John sa kanilang paghaharap. Sa bahay pa lang ay gumawa na siya ng mahabang listahan niyon. Kasama na roon pati ang nauukol sa pribadong buhay ng music artist tungkol sa buhay pag-ibig, partikular kung mayroon na siyang girlfriend at ano-ano ang mga katangian ng babaing mamahalin.

Pero naindiyan si Yumi ni Jimmy John. Hindi ito nakasipot sa venue na dapat nilang pagtagpuan. Ayon sa tawag ng sekretarya ng kanyang big boss ay naroon pa sa tinutuluyan nitong hotel ang kanyang kapapanayamin.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …