Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pasahero inabuso ng Malaysia Airline crew member

081914 malaysian airlines

NAKADETINE ang isang Malaysia Airlines cabin crew member sa France kaugnay ng mga alegasyong inabuso niya ang isang pasahero na takot sa paglipad sa sinasa-bing disaster-prone na airline.

Ang nasabing kaso, na kinasasangkutan ng chief steward ng Paris-bound flight ng nasabing airline, ang latest setback para sa struggling national carrier, na tinamaan ng kambal na trahedya ngayon taon sa pagka-wala ng isa nilang eroplano at pagbagsak ng isa habang lumilipad sa ibabaw ng bansang Ukraine.

Sa opisyal na pahayag ng airline inihayag ang pagkakadetine ng kani-lang crew member ng French police para kwes-tyonin sa mga alegasyon ng isang pasahero na pinakitaan ng suspek ng ‘inappropriate sexual beha-viour’ sa flight MH20 mula sa Kuala Lumpur noong Agosto 4.

Nagreklamo ang Australian passenger sa mga awtoridad ukol sa insidente matapos mag-touchdown ang eroplano sa Charles de Gaulle airport sa Paris. Sinabi ng pasahero na nangangamba siya sa kanyang biyahe sanhi ng naganap na mga trahedyang kinasasangkutan ng Malaysia Airlines.

Umupo naman sa tabi ng biktima ang steward at doon inabuso ang babae sa pagkukunwaring inaalo ito sa kanyang pangamba.

Nagpahayag ang Malaysia Airlines na makikipagtulungan sa French authorities sa imbestigasyon nito para mabigyang linaw ang pangyayari at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero bilang pa-ngunahing priyoridad.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …