Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mylene, mala-Gigi Reyes kaya ang role sa Ikaw Lamang?

081914 Mylene Dizon

ni TIMMY BASIL

ISA  sa  bagong character na mapapanood sa  pagpapatuloy ng telesereyeng Ikaw Lamang (na ayaw ipatawag ng mga director na Book 2) ay ang character ni Mylene Dizon, isang chief of staff ng isang senador.

Actually, ang senador na tinutukoy ko ay si Franco, ang role ni Jake Cuenca at nang tumanda ay si Boyet de Leon ang gumanap at ‘yun nga,  naging senador pa ang loko, hehehehe.

Sa ginanap na presscon  ng Ikaw Lamang, hindi  masyadong natanong ng press si Mylene tungkol sa kanyang role, basta ang alam ko, isa siya sa magpapahirap  kay Kim Chui (sa bagong character nitong si Andrea).

Habang tinitipa ko ang kulom kong ito, bigla kong naalala kung anong klaseng chief of staff si Mylene, siya kaya ay mala-Gigi Reyes(chief of staff ni Sen.Juan Ponce Enrile)?

Ewan ko ba, bakit kaya kapag sa presscon parang  hindi gumagana ang utak ko, pero kapag nagde-deadline na roon naman pumapasok ang mga anggulo na puwede sanang itanong sa mismong artista. Hay, ambot !

Anyway, masuwerte si Mylene dahil  katatapos pa lang ng

Mirabella na isa siya sa nagpahirap sa bidang si  Julia Barretto  and now,  naunahan pa niya si Julia na magkaroon ng  panibagong show,  hehehehe.

Isa rin si Mylene sa mga artistang tila hindi tumatanda at hindi tumataba. Ang sexy pa rin ni Mylene at ang pinaka-importante, habang tumatagal ay lalo siyang humuhusay sa pag-arte.

ANAK NI BOYET NA SI MIGUEL, MAHILIG MAGBISIKLETA

BILIB ako sa ipinapakitang propesyonalismo  ni Boyet de Leon.

Napaka-valid ang reason niya at puwedeng hindi muna siya umuwi ng Pilipinas  dahil hanggang ngayon ay nasa ICU pa rin ang kanyang anak na si Miguel na inoperahan ang tumor sa kanyang testicle. Kumbaga, it’s a matter of life and death situation.

Pero nanaig  ang pagiging professional ni Boyet, iniwan ang anak na  may sakit (although nagpa-iwan naman si Sandy Andolong) kaya nakadalo si Boyet sa presscon ng Ikaw Lamang na siya ang gumanap na Franco (Jake Cuenca) sa pagpapatuloy ng teleseryeng  Ikaw Lamang.

Ayaw mang iwanan ni Boyet ang anak sa ganoong kalagayan pero kailangang tuparin niya  ang mga commitment sa Pilipinas lalo sa Ikaw Lamang.

Isang sportsman daw ang anak niyang si Miguel, isang cyclist to be exact.

Hindi naman sinabi ni Boyet na sa pagbibisikleta nakuha ni Miguel ang karamdaman pero ang sabi raw ng mga doctor na gumamot kay Miguel ay, curable ang naturang sakit.

Bukod kay Sandy ay naroon din si Pinky (ang nakatatandang kapatid ni Boyet) para magbantay din kay Miguel sa ospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …