Monday , December 23 2024

85 Caloocan residents binigyan ng oportunidad na magnegosyo

PINANGUNAHAN ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, kasama ang ilang opisyal ng Labor and Industrial Relations Office (LIRO) ng lungsod, at ng Department of Labor and Employment (DOLE)-National Capital Region, ang pamamahagi ng 50 business starter kits sa mga graduate ng Vocational Technology (VocTech) sa Caloocan City Manpower Training Center, kamakailan.

Ang simpleng serermonya ay nilahukan 85 residente na nabigyan ng oportunidad para makapagsimula ng sarili nilang micro business.

Ang tanggapan ng LIRO ang nagbibigay ng skills training sa mga residente kabilang ang mga kakailanganing kagamitan at equipments upang makapagsimula ng negosyong massage therapy, beauty care center at hairdressing/salon.

Binigyan ni Malapitan ang may 35 benepisaryo mula sa informal sector ng tig-P5,000 bawat isa para pambili ng mahahalagang kagamitan sa pagtatayo ng karinderya, snack bar, loading station, basket weaving, street food vending, at Japanese cake-making.

Kabilang din sa pinondohan ang mga micro-business start-up kits para sa repair shop business, buy and sell, frozen food trading, breakfast kiosk, dressmaking, handicrafts, dish/fabric detergent trading, siopao and siomai cart, eatery, burger and fries cart, rice trading, food/fishball cart, beauty parlor, meat/banana cue trading, RTW trading, at fruit shakes vending.

Kaugnay nito, naniniwala si Mayor Malapitan na katuwang ng paglago ng mga naturang negosyo ang pagbibigay ng ibang hanapbuhay para sa iba pang residente ng lungsod.

“Nagpapasalamat po kami sa DOLE-NCR sa ibinigay nilang pondo para sa proyektong ito na hindi lamang nagbibigay ng oportunidad na makapagnegosyo ang mahihirap nating kababayan,” aniya.

Kabilang sa mga dumalo sina DOLE Camanava District Director Andrea P. Cabansag, LIRO officer in charge Arnold V. Ocenar, DOLE Camanava senior labor and employment officer Tess Bullisig, Public Employment Services Office supervisor Jocelyn Yupangco at iba pang mga opisyales ng DOLE at LIRO. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *