Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pusong Walang Pintig ng Pagibig (Part 3)

00 puso rey

KONTENTO SI YUMI SA KANYANG BF HANGGANG MAKILALA NIYA SI JIMMY JOHN

Tomboyish siya noon at kalaro-laro niya sa karera ng takbohan. Nakasama niya sa pag-akyat at pamimitas ng bayabas at mangga sa bukid. Tagagawa niya ng bangkang papel na ipinapaanod nila sa batis. At naging tagapagtanggol niya sa mga kapwa batang salbahe at pilyo.

Nagkokolehiyo na sila sa Maynila nang buksan ni Arman ang tunay na saloobin sa kanya. Sinagot niya ng “oo, mahal din kita” ang iniluhog nitong damdamin. At ngayon nga ay mag-iisang taon na niyang boyfriend. Na talaga namang nagpapakaseryoso sa kanilang relasyon.

Regular silang nagde-date   linggo-linggo ng kanyang nobyo. Nagdi-dinner sila sa mga kilalang hotel & restaurant sa Metro. Kapag nakalilibre siya sa trabaho ay ipinapasyal siya sa iba’t ibang lugar. Nakapag-Disneyland na sila sa Hong Kong at nakapag-tour na rin sa labas ng Asya, gaya ng France at Switzerland. Napaglalambingan pa niyang madalas ang binata lalo’t may kaunti siyang dinaramdam sa katawan. Alalay niya sa pagpapa-doktor. Nagiging runner niya sa botika. At pumapapel na masseur   kapag masakit ang ulo niya.

Katatapos lamang nilang kumain ni Arman sa paboritong hotel-restaurant nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Naputol ang pagpapatawa sa kanya ng nobyong mahilig magkwento ng mga kakengkoyan.

“Yes, Sir…Good evening…” tugon niya sa kausap sa kabilang linya ng telepono.

“Advise ko lang, Miss Yumi, na dapat kang mag-report nang maaga bukas sa office. Ikaw ang na-assign na mag-interview kay Jimmy John bukas ng lunch time…” ang sabi ng boss niya sa pinaglilingkurang TV network.

“Sige, po Sir… Saan ‘yun, Sir?” usisa niya.

“Iko-confirm ko muna ang venue… Text na lang kita later,” ang sagot ng kanyang boss.

Nagpresinta kay Yumi ang kababatang nobyo na maging driver niya kinabukasan sa pakikipagkita kay Jimmy John.

“Wala naman akong importanteng lakad bukas, e…”

“Provided ng kompanya namin ang sasak-yan. At saka kasama ko ang mga staff at crew ng aming network,” katuwiran niya sa pagtanggi. “Thank you na lang, ha?”

“Ah, okey, Mahal…”

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …