ni John Fontanilla
ISA sa kasong tinututukan ni PAO Chief Persida Acosta ang kaso ng Sulpicio Lines, ang may-ari ng MB Princess of The Stars na lumubog ilang taon na ang nakalipas.
Pero hanggang ngayon ay wala pa ring hustisyang nakukuha ang mga biktima.
Hindi raw titigil ang mahusay na PAO Chief hangga‘t hindi nakakamit ang hustisya ng mga biktima ng lumubog na barko. At kahit ilang taon na raw ang itinatagal ng kaso nito ay hindi bibitiw ang mabait at matulunging abogado.
At hangang dulo ay kasama siya ng mga kamag-anak na naulila ng mga biktima ng paglubog ng barko na marami ang nasawi.
Kaya naman nakatutok si Atty. Acosta sa kaso ng Sulpicio Lines pero hanggang ngayon ay wala pa ring hustisyang nakukuha ang mga biktima.
Kaya naman daw nag-file ng Motion for Reconsideration ang PAO Chief para i-review ng Supreme Court ang Civil Case na ipinataw sa may-ari ng Sulpicio na si Mr. Edgar S. Go. Dapat kasi ay Criminal Case ang ipataw dahil sa rami ng namatay sa naturang paglubog.
Dagdag pa ni Atty. Persida, hindi naman daan-daang piso lang ang kabayaran ng mga buhay na nawala. Kung sa pamilya kaya raw nila nangyari ito, sa tingin kaya nila ganoon lang ang kabayaran ng buhay ng mga mahal nila sa buhay?
Hustisya ang gusto ng mga kaanak ng mga yumao at hindi salapi na kapalit ng buhay ng kanilang mga mahal sa buhay.