Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagka-suplada ni Marian, nawala

072914 marian rivera
ni Vir Gonzales

NAPAPAKINANGAN ni Marian Rivera ang pagsama-sama sa masa tuwing susugod bahay ang Eat Bulaga sa iba’t ibang lugar. Nawawala ang intrigang suplada siya.

Makihalo ka ba naman sa kung sino-sinong tagahanga, suplada pa ang tawag?

Tila yata handang-handa na sina Marian at Dingdong Dantes na harapin ang pag-aasawa.

Sabagay, saan pa ba naman patungo ang pagamamahalan ng dalawa kundi sa simbahan. Ang mahalaga, simbahan hindi live-in lang.

***

MASAYA si Rita Avila habang ikinukuwento ang pagkapanalo ng pelikulang Kasal directed by Jay Altajeros, director din ng Ang Lalaki sa Parola starring Harry Laurel.

Nanalong Best Picture ang nabanggit na movie sa ginanap na Cinemalaya Film Festival. Maikli lang ang role ni Rita pero todo acting naman siya and besides hindi naman pahabaan ng role ang pinag-uusapan kundi ang marking na iiwan nito.

Tipong nabiyayaan yata ng taglay na good luck charm ni Rita ang Kasal movie. May lucky charm kasi ang actress sa bawat masamahang project tulad ng mga inilulunsad na young star sa GMA teleserye noon.

MIGGS, HINANGAAN SA GALING BILANG BINGI AT PIPI

MASAYA si Direk Maryo delos Reyes dahil nanalong best supporting ang child actor na si Miggs Cuaderno sa pelikulang Children Show.

Marami ang humanga kay Miggs sa acting na ipinakita sa movie. Noong magwala si Miggs sa isang eksena, hindi mo akalain kung saan humuhugot ng inspirasyon ang bata sa pagganap bilang bingi at pipi.

Nakita naming umiiyak ang nanay ni Miggs na si Judy Chua, noong inaabot sa anak ang award. Para raw hindi siya makapaniwala.

AIKO, NAOSPITAL DAHIL SA PAGKATALO KAY NORA?

HINDI totoong na-depressed si Aiko Melendez kaya naospital dahil sa pagkatalo kay Nora Aunor.

Hindi totoo ito dahil mahal niya si Nora at makahanay lang sa pagpipiliang best actress ay malaking karangalan na.

Nindi na siya nakalapit noong awards night dahil dumami na ang mga tao. Humahanga si Aiko kina Nora at Gov. Vilma Santos na kahit kilalang artista at kahit saan niya makita ay binabati ng mga ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …