Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael Jordan tiklo sa ‘MJ’

CAMP OLIVAS, Pampanga – Sa kalaboso bumagsak ang kapangalan ng sikat na NBA player na si Michael Jordan nang mahulihan ng limang pakete ng marijuana sa isang buy bust operation sa San Rafael, Macabebe, ng nasabing lalawigan.

Si Jordan, 18, binata, pedicab driver, ay dinakip sa harap mismo ng Barangay Hall ng Brgy. San Rafael, nang isagawa ng mga tauhan ni Insp. Benjamin Gallano, OIC ng Macabebe Police, ang buy bust operation, sa barangay Nicolas, Masantol.

Ayon kay PO2 Jose Galwa, higit isang linggo nilang sinubaybayan ang operasyon ng suspek na sinasabing kilabot na tulak sa nasabing lugar bago maaresto.

Narekober ng pulisya ang P500 marked money na ginamit sa buy bust operation at limang pakete ng marijuana.

Kasong paglabag sa Section 5 Art 11 sa ilalim ng RA 9165 ang isasampa laban sa suspek .

(LEONY AREVALO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …