NATIKLO SI POPEYE HUDYAT PARA MAGHIWALAY SILA NI LIGAYA DAHIL MULING NAGTAGO SI DONDON
GayOnman, isang araw ay nalambat din si Popeye ng mga maykapangyarihan sa akto ng pagbebenta ng shabu.
Nang makarating iyon sa kaalaman ni Dondon ay napilitan siyang maglungga sa isang malayong bayan sa labas ng Metro Manila. Batid kasi niya na ‘di-malayong umabot sa kanya ang ‘sunog.’ Kaya tinawagan na lamang niya sa cellphone si Ligaya.
“Medyo malaking transaksiyon ‘tong kailangan kong asikasuhin nang personal. B-baka matagalan ako rito…” ang paalam niya sa babaing kinakasama.
“Kelan ka makauuwi?” naitanong ni Ligaya.
“H-hindi ko alam… Bahala na…” ang naisagot niya na parang may bikig sa lalamunan.
Isang linggo ang mabilis na lumipas. Sa paglabas ni Dondon sa pinag-almusalang restoran sa isang bayan ng Bulacan ay agad siyang dinamba ng tatlong nakadamit-sibil-yan na ahente ng pulisya.
“Mga sir, ano’ng kasalanan ko?” nasabi niya.
“Kilala ka namin, bata… big time pusher ka,” ang diga ng pulis na nagposas sa kanyang mga kamay.
“M-Malinis ako… W-wala akong dalang ‘basura’ sa katawan…” palag niya.
Napangisi ang mga nang-aresto sa kanya. Pabiyabit siyang isinakay ng tatlo sa mobile car ng pulisya.
“May ebidensiya ba kayo para bitbitin n’yo ako sa presinto?” ang pasigaw niyang ipinagdidiinan sa mga pulis.
Pagdating sa himpilan ng pulisya ay la-king gulat ni Dondon dahil dalawang sachet ng shabu ang sapilitang ipinaangkin sa kanya ng tatlong pulis. Nakuha daw iyon sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Tig-tatlong gramo ng droga ang ‘itinanim’ sa kanya.
“Sobra na ang pagiging salot mo sa lipunan… Dapat na talagang tuldukan ang iyong pamamayagpag,” sermon ng pulis na nambatok kay Dondon.
Ikinanta pala ang pangalan ni Dondon ni Popeye sa mga awtoridad bilang ‘source’ ng drogang ibinebenta niya sa mga durugista. Nakatimbre na siya sa iba’t ibang ahensiya na tagapagpatupad ng batas. At may kopya na rin ng larawan niya.
Ang team leader ng mga pulisna duma-kip sa kanya ay may malaking galit pala sa mga drug pusher. May anak kasing dalaga na napatay sa pananaksak ng holdaper na isang drug addict.
(Itutulo
Pinoy ‘yan for sure! If kahit sampung bansa na ang narating… kulambong kudkuran ng paa ay nasa bagahe pa rin!