Monday , December 23 2024

Kim, wala raw pinaghuhugutan, pinag-aaralan lang mabuti ang character

081814 kim chiu

ni Dominic Rea

HINDI na rin matatawaran ang pagiging isang magaling na aktres ni Kim Chiu.

Napakarami na rin ang kanyang nagampanang papel sa pelikula at telebisyon at nasubaybayan natin kung paano pinalago ni Kim ang kanyang karera.

Sa husay niyang ipinakita sa unang yugto ng seryeng Ikaw Lamang ay napakarami ang pumuri sa kanyang ipinamalas na pagganap bilang si Isabelle na bugbog sarado sa asawang si Franco(Jake Cuenca) bitbit pa ang problema sa kanyang pamilya. Paano nga ba ito hinuhugot ni Kim?

“Basta everytime po na eksena ko na, kailangang in-character na ako, ibinibigay ko talagang best ko, pinag-aaralan kong mabuti ang script ko. Ayun, effective naman siya and sobrang thankful kami sa mga director namin sa serye. Wala namang pinaghuhugutan. Ginagawa ko lang ang dapat makita sa amin ng televiewers,” paglalahad pa ni Kim.

In fairness kay Kim, she’s so intact sa mga gusto niyang gawin sa kanyang buhay. Mahal na mahal ni Kim ang kanyang career at wala nang mahihiling pa ang sikat na Primetime Princess kundi ang patuloy na pag-usbong ng kanyang karera!

‘Yun na!

About hataw tabloid

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *