PARA sa busy executive, ang pinakamahal na commodity—bukod sa pera—ay panahon, na ang mga minuto o oras ay unang nasayang dahil lang sa mahabang biyahe o mabigat na daloy ng sasakyan.
Pero nasolusyonan ito ng isang negosyante mula sa Dubai na nagdesisyon na bigyan ng kalutasan ang problema sa sariling pagsisikap sa pamamagitan ng pag-convert sa kanyang sasakyan para maging sariling luxury mobile office.
Mula sa back seat ng kanyang Cadillac Escalade, nagagawa ni Chris Elley na magamit ang mahalagang panahon na dati’y ginagamit sa pagmamaneho para igugol sa pagpapaunlad ng kanyang IT business.
Pinagmamaneho siya ngayon ng kanyang chauffeur, na nakaupo sa harapan ng sasakyan, na humahati dito ng isang screen na isa rin oversized iMac monitor na konektado sa isang wireless keyboard sa likuran.
Kung nais ni Ginoong Elley na kausapin ang kanyang driver, kailangan lang niyang pulutin ang telepono na nagli-links sa kanilang dalawa.
“Medyo ostentatious,” pag-amin ng negosyante. “Subalit kailangan mo rin minsan ng privacy.”
Nagmula sa Essex, United Kingdom, si G. Elley, 34, ay nangangasiwa ng IT company na kung tawagin ay WS Media, na nagpapatakbo naman ng mga website tulad ng bored.com na may mga uncomplicated online games.
May tanggapan siya sa Gold and Diamond Park, subalit kailangan din niyang bumiyahe para dumalo sa iba’t ibang mga meeting. Nagdesisyon siyang mag-invest sa Dh550,000 modified 4×4 dahil “sawa na siyang magsayang ng oras sa trapiko.”
Kinalap ni Tracy Cabrera