Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea, posibleng gumanap bilang Atty. Persida Acosta

081814 Bea Alonzo

ni Letty G. Celi

BELATED Happy Birthday to a very kind woman, last August 14. A woman with a big heart lalo na sa mahihirap at naaapi, sa mga taong pinagkakaitan ng hustisya o pinaglalaruan ng hustisya. Siya ay walang iba kundi ang mala-porselanang kagandahan, si Atty. Persida Acosta, ang Chief ng Public Attorney’s Office (PAO), ang pinakamataas na public servant sa tanggapan ng mga manananggol na kaagapay ng mga naaaping mga kababayan na humihingi ng katarungan laban sa mga taong nagkasala sa kanila or inapi sila.

Dala ng kahirapan at kawalan ng salapi na pambayad sa abogado, kahit walang kasalanan, napaparusahan at nakukulong sa bilangguan. Salamat sa pagkakatatag sa PAO, nagkaroon ng pagkakataon ang mga napagbintangan sa kung anumang bagay na umano ay ginawa nila. Pero dahil sa PAO, pwede na nilang ipagtanggol ang sarili kahit walang pambayad dahil libre o walang bayad ang serbisyo ng PAO.

Year 2006 nang ang maganda at dakilang abogada, si Atty. Percida ay naging head ng PAO. Wala raw siyang kaalam-alam ng isang araw ay ipatawag siya sa tanggapan ng Chief Justice ng Supreme Court. That time ay newly grad daw siya at nakapag-bar exam na siya, may nag-alok sa kanya kung type niya raw mag-artista. Of course, no ang sagot niya at talagang maging batikang lawyer ang dream niya. Gusto ni Atty. Persida ay maging abogado siya ng mahihirap kahit hindi siya bayaran. Ipagtatanggol niya lalo na’t napagbibintangan lang at walang nagawang kasalanan.

Hanggang ngayon ay buong ningning na siya pa rin ang big boss ng kung ilang librong public attorney ang nasasakupan ni Chief Persida Acosta.

Pinaghahandaan ni Atty. Persida ang pagbabalik telebisyon niya. Ang pinakahuling TV show niya ay ang Face to Face sa TV5. This time, hindi lamang ang TV5 ang network siya magkaka-show, dahil may ibang network pa ang kumukuha sa kanya. Then, baka matuloy ang movie na gagawin niya na isang true to life story.

Maraming magagandang highlights sa buhay ni Atty. Persida lalo na noong nag-aaral siya. Hirap daw sila, pero priority ng parents nila na makapagtapos silang magkakapatid ng college. Maging degree holder. If ever na matuloy ang movie baka si Bea Alonzo ang gumanap sa role ni Atty. Persida.

Isa pa sa susog ng mga friends & fans sa lady lawyer ay tanggapin ang isa pang suhestiyon na kumandidato siya sa darating na Senatorial race sa 2016. Hindi pa raw siya handang maging Senador. Ow! Kailangan pa daw ng consultation sa pamilya niya, especially sa mga anak niya at sa handsome guy na nagpapatibok ng puso niya. Ang kanyang husband, si Atty. Ben Acosta. Happy Birthday! God bless! More power!

QUIET PLEASE, HUWAG MAINGAY, INABANGAN NG VIEWERS

ARU! Ang saya kaya ni K Brosas, ang co-host ni Richard Gomez sa bagong comedy game show ng TV5, ang Quiet Please, Huwag Maingay na nag-first telecast noong August 10, 8:00 p.m.. Eh, kasi parang trial balloon lang ng TV5 ang nasabing comedy game show, pero grabe ang response ng home viewers, inabangan talaga, lalo na’t bago pa ang arrive ng Sunday telecast.

Ipinalalabas na ang ilang parte ng show at ang mga guest na all celebrities. K na K ang show at dagdag rating sa iba pang shows ng TV5. Kahit si Richard na rating TV host na nagbabalik na ulit at tila magi-guest or nag-guest na ang mga friend niya na kasama sa TV, sina Anjo Yllana, Joey Marquez, Snooky Serna at iba pang grupo niya sa panahon ng kanilang manager ng yumaong Douglas Qujano. Swak na swak ang partnership nina Goma at KB. Kinagat sila ng viewers.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …