ni Dominic Rea
IBANg level ang acting nitong si Arjo Atayde. As always, may pinagmanahan nga ang sikat na aktor kundi sa ina nitong si Sylvia Sanchez.
Inamin ni Arjo na walang ilangang naganap nang kunan ang ilang eksena nilang mag-ina weeks ago para sa seryeng Pure Love.
Nagbiruan pa nga raw ang mag-ina after doing the said scene na pinag-usapan sa social media huh! Mahal na mahal daw ni Arjo ang kanyang karakter bilang si Raymond sa serye na tila may dalawang katauhan, ang pagiging masama sa likod ng kanyang pagiging mabuti pala noon.
In fairness, ‘yung tandem nila nina Alex Gonzaga, Joseph Marco, at Yen sa serye ay talaga nga namang inaabangan ng madlang people.
Ayon pa kay Arjo, mahalaga sa pag-arte ay ang nararamdaman mo. ‘Yung panlabas ay secondary na lang kaya naman ibinibigay niya kung ano lang ang tama at sakto sa mga eksena niya sa Pure Love.