ILANG oras na ikinulong sa kwarto ng isang nag-amok na pusa ang mag-ina sa San Diego, California.
IKINULONG ng isang family cat na si Cuppy ang mag-ina sa isang kwarto kaya napilitan ang mga biktima na tumawag sa 911.
Inihayag ng 911 dispatchers sa ABC 10 News: “Female’s calling on 911 advising that her cat is holding her and her adult daughter hostage in the bedroom, and it attacks them when they try to leave.”
Ilang oras na nakulongang mag-ina sa kwarto, at takot na takot sa nagwawala nilang pusa.
Ayon sa ulat, naging mabagsik si Cuppy nang pumasok sa kanilang bahay ang isang pusang kalye.
Ang dati ay masunuring si Cuppy ay biglang naging mabagsik nang makita ang pusang kalye. “He’s vocal and claws and just a ball of fury,” ayon sa pahayag ng isang kapitbahay.
Si Cuppy ay 14 taon nang alaga ng pamilya, ayon sa ulat ng ABC 10 News.
Nagresponde sa insidente ang mga tauhan ng Chula Vista Police na itinaboy palabas ng bahay ang pusa at tinulungan ang mag-ina na makalabas ng kwarto.
Sinasabing hindi takot ang pusa sa mga pulis maging sa K-9 unit.
Karaniwang ang animal control ang nagreresponde sa ganitong insidente, ngunit dahil hindi pa dumarating ay ang mga pulis na ang tumulong sa mga biktima.
(http://www.breitbart.com)