Monday , December 23 2024

Abaya ligtas sa sibak (Sa kabila ng aberya sa MRT)

081814_FRONT

WALANG plano si Pangulong Benigno Aquino III na sibakin si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya kahit sunod-sunod ang naging aberya sa Metro Rail Transit (MRT) at ina-akusahang mas nakatuon sa 2016 elections kaysa trabaho sa gobyerno.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., buo pa rin ang tiwala at kompiyansa ng Pangulo kay Abaya.

Ang pangunahing inaasikaso aniya ng pamahalaan, tiyakin ang kaligtasan ng libo-libong mamamayan na sumasakay sa MRT bilang backbone ng mass transit system sa Metro Manila.

“Nagsisikap po ang pamahalaan sa pamamagitan ng DoTC na gawin ang lahat para maghatid nang mainam at kapaki-pakinabang na serbisyo,” ani Coloma.

Nanawagan kamakalawa ang Train Riders Network na sibakin si Abaya dahil sa pagsadsad ng tren ng MRT-3 sa Pasay-Taft station, na senyales anila ng kapabayaan ng kalihim at pagiging mas abala sa 2016 elections.

Depensa ni Coloma kay Abaya, sa kabuuan ay mas namamantine ang serbisyo sa MRT kahit may naganap na mga aberya at hindi pwedeng madaliin ang pagdating ng mga bagong bagon.

(ROSE NOVENARIO)

MRT LIGTAS

SINIGURO ni Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya, ligtas pa rin sakyan ng publiko ang Metro Rail Transit (MRT).

Ito’y kasunod ng mga insidenteng pagkakadiskaril at pagtirik ng mga tren nitong nakalipas na mga linggo.

Ayon kay Abaya, bagama’t hindi siya rail expert, malinaw na nakasaad sa manual, hindi dapat patakbuhin ang mga tren kapag delikado ito.

Sinabi ng kalihim, nagpapatuloy ang konsultasyon sa tulong ni MRT officer-in-charge at LRTA Chief Honorito Chaneco, sa mga inhinyero at wala pang rekomendasyon na i-shutdown ang operasyon ng MRT.

Dagdag ni Abaya, tuloy ang pagpapabuti ng pamahalaan sa kondisyon ng MRT kabilang rito ang pagbili ng 48 bagong bagon na darating sa kalagitnaan ng 2015, at pagbili ng bagong signaling system at power supply.

Giit ni Abaya, rerebyuhin din nila ang kanilang standard operating procedures.

Nauna rito, inihayag ni Engineer Rene Santiago, dating director ng LRTA, at dating chairman ng MRT, hindi na ligtas sumakay sa mga tren.

ABAYA BINARA NI CHIZ

BINARA ni Senador Chiz Escudero si Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya sa pahayag na kanyang inaako ang full responsibility sa lahat ng problema sa Metro Rail Transit o MRT.

Ipinaaalala ni Escudero kay Abaya na ang nais marinig ng publiko mula sa Estado ay kung gaano kaligtas sumakay sa MRT.

Isa pang tanong ni Escudero ay kung magbibitiw si Abaya sakaling may mangyari muling aksidente sa MRT.

Pinakamalaking aksidente sa MRT ang nangyari noong Miyerkoles nang mawalan ng kontrol ang isang depektibong tren na bumangga sa barrier sa Taft Avenue station, sa Lungsod ng Pasay, at ikinasugat nang mahigit 50 katao.

Bilang solusyon, ipinanukala ni Escudero na bilhin muli ng gobyerno ang Mass Transit System sa MRT holding at ibenta sa mas matinong kompanya.

Pumalag din si Escudero sa pagpayag ng gobyerno na igisa ng MRT holding sa sariling mantika ang mga Filipino.

Kinuwestyon din ni Escudero, bilang Chairman ng Senate Committee on Finance, ang pagbili ng DoTC ng 48 bagong bagon sa halagang P3.8 billion samantala responsibilidad ito ng MRT holdings.

Una rito, hiniling ni Escudero kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na i-repaso ang performance ni Abaya bilang Transportation Secretary.

Naniniwala si Escudero, bukod sa sistema ay may problema sa liderato ng DoTC. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *