Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2nd round lalarga na sa Miyerkoles

PAGKATAPOS ng All-Star Game noong Sabado, balik-aksyon sa Miyerkoles ang NCAA Season 90 sa pagsisimula ng second round ng eliminations sa The Arena sa San Juan.

Maghaharap sa tampok na laro sa alas-4 ng hapon ang Arellano University at San Sebastian College.

Tabla sa unahan ang Chiefs kasama ang defending champion San Beda College na parehong may pitong panalo at dalawang talo.

Ang Stags naman ay katabla ang Letran at Emilio Aguinaldo College sa parehong 3-6 na talaan.

Unang maglalaban naman sa alas-2 ang Red Lions at ang kulelat na Mapua Cardinals na may isang panalo lang kontra sa walong talo.

Kagagaling lang ng San Beda sa masakit na 64-53 na pagkatalo kontra Letran noong Miyerkoles kung saan ibinangko ni coach Boyet Fernandez ang dayuhang sentrong si Ola Adeogun dahil sa hindi niya pagsipot sa ensayo.

Samantala, tinalo ng NCAA East ang NCAA West, 104-97, sa All-Star Game ng liga noong Sabado sa tulong ng 12 puntos ni Art de la Cruz at 11 naman mula kay Juneric Baloria.

Nagwagi sa three-point shootout si Travis Jonson ng College of St. Benilde samantalang dinomina ni Arnaud Noah ng San Beda ang slam dunk event.

Pinalitan ni Noah si Adeogun na umatras sa huling sandali.

Lalaro si Noah sa Red Lions sa 2016 season kapag nagtapos na si Adeogun sa kanyang eligibility at pag-aaral.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …