TUMUTULONG ang vending machine na ito sa Istanbul sa pagpapakain sa mahigit 150,000 asong kalye kapalit ng idinedepositong plastic bottles ng mga residente. (http://www.boredpanda.com)
NAKAISIP ang isang kompanya sa Turkey, ang Pugedon, ng paraan ng pagtulong sa kalikasan at sa mga asong kalye.
Ang kanilang vending machine sa Istanbul ay tumatanggap ng plastic bottle para i-recycle at ang kapalit nito ay ang pagbibigay ng pagkain sa mga asong kalye sa lungsod.
Ang kita na makukuha sa recycled bottles ang ginagamit sa pagbili ng dog food na inilalabas ng vending machine.
Ang Istanbul ay kilala sa rami ng mga asong kalye – tinatayang aabot sa 150,000.
Tanggap ng ilang mga residente ang nagkalat na mga aso sa paligid na sanay na sa buhay sa lungsod at tumitigil sa traffic lights at walkways, ngunit ang iba ay nais silang lipulin dahil sa pagiging matapang at pagdadala ng mga sakit. (http://www.boredpanda.com)